^

Metro

11 baboy naharang sa Quezon City positibo sa ASF

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
11 baboy naharang sa Quezon City positibo sa ASF
Nagtayo ang mga tauhan ng Quezon City Veterinary Office, Department of Agriculture, at Quezon City Police District (QCPD) ng checkpoint para sa livestock, poultry, at iba pang meat products sa Commonwealth Avenue lungsod para mapigilan ang pagkalat ng African swine fever (ASF).
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry (BAI) na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang mga baboy na laman ng isa sa dalawang truck na naharang sa livestock checkpoints sa Quezon City nitong weekend.

Ayon sa BAI, matapos ang pagsusuri, 11 baboy ang nakitaan na agad ng ASF infection bago pa isagawa ang blood test. Agad na pinatay ang mga ito ay ibinaon sa central burial site bilang bahagi ng disease containment measures.

Samantala, ang nasa 38 baboy naman na mula sa isang truck ay nagnegatibo sa ASF kaya pinahintulutan ng BAI ang pagkatay sa mga ito.

Nananatiling naka-heightened surveillance ang BAI para mapigilan ang pagpasok ng mga infected na baboy sa Metro Manila.

Hinikayat naman ng DA ang mga hog traders at transporters na sumunod sa mga regulasyon nang maiwasan ang pagkalat lalo ng ASF.

ASF

BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with