Pasahero huli sa droga sa NAIA

Binubulatlat ng mga awtoridad ang mga bagahe ng suspect (kanan) at ang hinihinalang drogang natagpuan sa kanyang bagahe.

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking pasahero matapos makuhanan ng illegal na droga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.

Ang nasabing pasahero ay papasakay sana ng Cebu Pacific flight patungong Zamboanga ng makita sa final security checkpoint ang dala nitong nasa 2.2 gramo na hinihinalang shabu.

Nasa kostudiya na ng PDEA ang pasaherong hindi pina­ngalanan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at pagsasampa ng reklamo laban sa nasabing pasahero.

Show comments