Michael Yang ‘di miyembro ng NPC, Antiporda nag-leave of absence
Sa isyu ng P11 bilyong drug smuggling
MANILA, Philippines — Mariing pinabulaanan kahapon ng National Press Club of the Philippines (NPC) ang pahayag ng key witness sa kontrobersiyal na pagpupuslit ng iligal na droga sa nakaraang administrasyon, na miyembro ng organisasyon ang isang Michae Yang.
Ito’y kaugnay sa isiniwalat ng dating opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na si Jimmy Guban, sa pagdinig noong nakaraang Biyernes ng House Committee on Dangerous Drugs.
“Mr. Yang is not, and was never, a member of the National Press Club nor affiliated in any way with the organization,” ani NPC president Leonel Abasola.
Kasabay nito, tinanggap ni Abasola at iba pang NPC officers ang paghahain naman ng “leave of absence” ni NPC Vice President Benny Antiporda matapos na makaladkad ang kanyang pangalan sa Kamara quad committee hearing.
Si Antiporda, isa sa mga idinawit ni Guban sa kontrobersya, ay nagsabing inihahanda na ang point to point na isasagot nito sa mga naging alegasyon ni Guban laban sa kanya.
Ang NPC, bilang isa sa mga pinakamatandang organisasyon ng media sa bansa, ay nakikiisa sa paghahanap ng katotohanan at nananawagan ng resolusyon batay sa katotohanan at walang pagkiling.
- Latest