^

Metro

‘Carlos Yulo Day’ tuwing August 4, idineklara sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
âCarlos Yulo Dayâ tuwing August 4, idineklara sa Maynila
Two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo holds signed copies of The Philippine STAR’s front pages with his historic win on August 15, 2024.
Photos by Walter Bollozos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Manila City Council ang isang ordinansa na ang Agosto 4 sa bawat taon bilang “Araw ni Carlos Yulo” sa kabisera ng bansa.

Ang nasabing ordinansa na inaprubahan ng Konseho ng Lungsod ng Maynila ay inakda ni Sixth District Councilor Salvador Phillip Lacuna ay nakasulat sa Filipino o ang “Araw ni Carlos Yulo” bilang paggunita na rin sa Agosto bilang “Buwan ng Wikang Pambansa.”

Nilinaw naman ni Lacuna na hindi dagdag na holiday, ang :Ang Carlos Yulo Day’

“Ang Carlos Yulo Day ay hindi po dagdag na holiday. Hindi po ito regular holiday, special working holiday, o special non-working holiday. The ordinance does not mention the word ‘holiday’ at all. Therefore, students and employees in the entire city of Manila are still required to attend school and work on this day. Carlos Yulo Day is simply a day of commemoration. So, while it is a regular day, there will be activities to honor the pride that Caloy has brought to our country, with the hope of inspiring our citizens to excel in their respective fields,” paliwanag ni Councilor Philip Lacuna.

Inaasahang lalagdaan na ang ordinansa ni Manila Mayor Dr. Honey Lacuna-Pa­ngan.

Nakasaad dito ang buhay at karera ni Carlos Edriel P. Yulo bilang isang homegrown sports prodigy ng Maynila, kung saan nag-aral siya sa Aurora A. Quezon Elementary School sa Malate, ­ilang beses na kinatawan ang Maynila sa Palarong Pambansa, at nagtuloy ng edukasyon sa kolehiyo sa Adamson University sa Maynila.

“Among the best we can do to express our gratitude is to honor Caloy, push for more support for student-athletes and community athletes, and respect his right to privacy,” dagdag pa ng alkalde.

CARLOS YULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with