MANILA, Philippines — Nasunog ang ika-pitong palapag ng Metropolitan Medical Center, sa Masangkay St., Sta. Cruz, Maynila, madaling araw ng Sabado.
Nabatid na idineklarang first alarm ang sunog ala-1:56 ng madaling araw ng Agosto 17 at dalawang minuto pa ay itinaas sa ika-2 alarma.
Inilikas ang mga pasyente ng ward dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.
Matapos ideklarang fire-out alas 2:51 ng madaling araw ng Bureau of Fire Protection (BFP) at maisagawa ang mopping operation ay pinayagan nang makabalik ang mga pasyente sa ward.
Inaalam pa ng Arson investigators ang sanhi ng apoy na nakaapekto lamang sa mga tanggapan sa ikapitong palapag.