101 baboy, napigil ng BAI sa Quezon City animal checkpoint
MANILA, Philippines — Napigil ng mga tauhan ng Bureau of Animal Industry (BAI), kasama ang mga tauhan ng QC LGU at Philippine National Police (PNP) ang may 101 baboy sa animal checkpoint na nailatag ng ahensiya sa Quezon City.
Ayon sa DA, ang unang trak na napigil ay naglalaman ng 87 baboy at ang ikalawang trak ay naglalaman ng 14 na baboy.
Sa operasyon, tanging mga pekeng dokumento ang naipakita sa mga awtoridad ng driver ng mga trak na nagdala ng mga baboy.
Ayon sa BAI, ang unang trak na may sakay na 87 baboy ay nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) na agad namang na-condemn at dinala sa Central Burial Site.
“The blood tests showed the hogs are positive for the ASF virus, so we have no choice but to condemn them and dispose of their carcass at the central burial site we have identified. Trucks have been cleansed and disinfected to ensure they will not spread the virus,” sabi ni DA Assistant Secretary for Swine and Poultry Dante Palabrica.
Sinabi ni Palabrica na naglatag ng mga animal checkpoint ang DA-BAI upang maiwasan ang pagkalat ng ASF sa mga alagaing baboy sa Luzon makaraang magkaroon ng ASF outbreak sa mga babuyan sa Batangas.
Una na rito, may 60 baboy din ang napigil ng DA BAI sa unang araw ng nailagay na mga checkpoint noong August 14.
- Latest