MANILA, Philippines — Matapos maipatupad ang bigtime rollback sa oil prices ngayong linggo, asahan na ang taas naman ng presyo ng mga produktong petrolyo ang ipatutupad ng mga oil companies sa susunod na linggo.
Ayon sa abiso ng mga kompanya ng langis, nasa 65 centavos hanggang 90 centavos ang itataas nila sa kada litro ng gasolina habang mula 95 centavos hanggang P1.10 per liter ang itataas sa presyo ng diesel at kerosene.
Sinasabing ang epekto ng apat na araw na nagdaang presyuhan sa petrolyo ang ugat ng muling pagtaas ng presyo nito sa susunod na linggo.
Tuwing Martes ipinatutupad ng mga oil companies ang oil price adjustment.