^

Metro

P200K shabu, boga nasamsam sa 2 ‘tulak’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P200K shabu, boga nasamsam sa 2 �tulak�
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “John”, 47 at alyas “Rey”, 53.
STAR/File

MANILA, Philippines — Laglag sa buy-bust operation ang dalawang lalaki nang mahulihan ng nasa P200,000 halaga ng shabu at isang baril, sa Taguig, umaga ng Huwebes.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “John”, 47 at alyas “Rey”, 53.

Dakong alas -10:15 ng umaga kahapon nang isagawa ang operasyon, sa Barangay Palingon-Tipas, Taguig City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nagsagawa ng buy-bust ang mga operatiba ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit laban sa target na si John at alalay nito na si Rey, at matagumpay na nakabili ng halagang P7,000.00 mula kay John.

Umabot sa kabuuang 33.08 gramo ng shabu ang nasamsam sa dalawang suspek na may street value na ?224,944.00.

Kinumpiska kay John ang sling bag at holster na naglalaman ng isang kalibre .45 baril na Lllama Max-1.

Isasailalim sa inquest proceedings si John sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regu­lation Act) habang si Rey at Section 11 ng RA 9165.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with