^

Metro

Crime rate sa Quezon City bumaba

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Crime rate sa Quezon City bumaba
Sinabi ni Maranan na bumaba ang buwanang bilang ng walong focus crimes na kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, car at motorycle theft.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ni Quezon City Police District (QCPD) chief PBGen Redrico A Maranan ang pagbaba ng crime rate dahil sa patuloy na anti-criminality operations at pinahusay na preventive measures na ipinatupad ng iba’t ibang istasyon ng pulisya at unit sa lungsod.

Sinabi ni Maranan na bumaba ang buwanang bilang ng walong focus crimes na kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, car at motorycle theft.

Aniya, nagkaroon ng pagbawas ng 20 insidente o 12.73% mula sa 157 insidente noong Hunyo hanggang 137 insidente noong Hulyo ngayong taon.

Samantala, sa lingguhang krimen, may pagbaba ng 12 insidente, o 41.37%, mula sa 29 na insidente na iniulat sa pagitan ng Hulyo 29-­Agosto 4, hanggang 17 insidente mula Agos­to 5 hanggang 11.

Nagpahayag ng lubos na pasasalamat si Maranan sa pagsisikap ng buong Quezon City police force.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with