MANILA, Philippines — Tinitiyak ng ngayon ng Bureau of Corrections (BuCor) na walang overstaying na person deprived ofliberty (PDL) dahil nakatutok sila ngayon dito upang hindi matulad sa isang inmate sa Cavite na 3 taon lang ang sentensya subalit napalaya pagtapos ng 7 taon.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr.,walang kapabayaan sa kanilang panig sa isyu ng pagpapalaya kapag napagsilbihan na ang sentensiya dahil sinusunod ng BuCor ang gabay na itinakda ni Justice Secretary Crispin Remulla ng “real justice in real time”
“Wala kaming kaso ng kapabayaan tulad ng nangyari sa isang PDL sa Cavite na sa kadahilanang hindi naipadala ng isang court staff ang release order ay nanatili siyang nasa piitan ng apat na taon pa ganong ang sintensya nya ay tatlong taon lamang. Lumalabas na sya ay nakulong ng pitong-taon imbes na tatlong taon,” ani Catapang.
Sa unang bahagi ng taong ito, iniutos ni Catapang sa PDL Documents and Processing Division (PDPD) ang pagsusuri ng mga talaan ng bilangguan o ‘karpetas ‘ng lahat ng mga PDL hinggil sa legal documentation upang ipaalam na rin sa pamamagitan ng komprehensibong impormasyon hinggil sa paglaya.
“Gusto ko kasi na kahit sinong PDL ang tanungin ko kung kailan siya lalaya, alam niya ang isasagot niya,” ani pa ni Catapang. Nagsasagawa ang PDPD sa pamumuno ni CSenior Inspector RaymundPeneyra ng information drive para tugunan ang mga concerns ng PDL.
Sa kasalukuyan, nakapagpalaya na ang BuCor ng 15,382 PDLmula Hunyo 2022 hanggang Hulyo ng taong ito sa ilalim ng Bilis Laya Program nanaglalayong mapabilis ang pagproseso at paglabas ng mga karapat-dapat na PDL.
Pinalaya sila sa ilalim ng iba’t ibang paraan, na kinabibilangan ng maximum sentence served, acquittal, paroled, probation, at executive clemency.