Misis na binoga ng mister na pulis, pumanaw na

Hindi na kinaya pa ni “Annaliza” ang tinamong tama ng bala ng baril sa ulo matapos na mabaril ng kanyang mister Linggo ng gabi.
STAR/File

MANILA, Philippines — Matapos ang dalawang araw na pagkaratay, binawian na rin ng buhay ang 47-anyos na misis na binaril sa ulo ng mister na pulis sa Quezon City.

Hindi na kinaya pa ni “Annaliza” ang tinamong tama ng bala ng baril sa ulo matapos na mabaril ng kanyang mister Linggo ng gabi.

Nakatakda namang sampahan ng kasong murder sa piskalya ang suspek na may ranggong sarhento at nakatalaga sa Manila Pollice District.

Base sa record, dumalo pa ng kaarawan ng kanyang biyenan ang biktima at suspek.

Nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek bunsod ng pagseselos ng una sa mga text messages sa cellphone ng suspek.

Ang pagtatalo ay humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.

Show comments