100 catch basin, ilalatag ng Quezon City LGU kontra baha

MANILA, Philippines — Umaabot sa 100 catch basin ang ilalagay ng Quezon City government sa ibat ibang binabahang lugar sa lungsod upang maiwasan ang pagbaha sa panahon na may nararanasang bagyo sa Metro Manila.

Sa QC journa­list Forum, sinabi ni Peachy de Leon dating konsehal at spokesperon ng Department of Risk Reduction Management Office ( DRMMO) ng Quezon City, nasa planning stage na sila ngayon sa  pagsasagawa ng drainage marterplan kasama ang mga barangay, homeowners association at iba pang stakeholders upang matiyak na mareresolba nito ang mga problema sa pagbaha sa lungsod.

Anya singlaki ng basketball court ang isang catch basin na ilalagay malapit sa mga creek upang matiyak na maayos ang daloy ng tubig baha patu­ngong mga ilog.

Anya unang lalagyan ng catch basin ang barangay na malapit sa creek na laging binabaha kung tag-ulan tulad ng barangays  Masambong, Bahay Toro, Sto Cristo, Holy Spirit ,Commonwealth at Loyola .

Anya halagang P50 Milyon ang halaga ng isang catch basin na popondohan ng gob­yerno at LGU.

Nilinaw naman nito na habang hindi pa natatapos ang konstruksyon ng mga catch basin ay nakahanda naman ang lahat ng tanggapan ng lokal na pamahalaan sa pag- rescue at pagtugon sa mga biktima ng kalamidad lalo na ng pagbaha.

Kaugnay nito sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na nakahanda naman ang ahensiya para tulungan ang mga LGUs sa kanilang pangangaila­ngan sa panahon ng kalamidad.

Anya may 1.2 Mil­yong family food packs ang laan ng ahensiya para sa mga maaapektuhan ng kalamidad tulad ng bagyo.

Show comments