^

Metro

Selosang misis binoga ng mister na pulis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Selosang misis binoga ng mister na pulis
Nasa kustodiya na ng Talipapa Police Station ang suspek na pulis na may ranggong sarhento at nakatalaga sa Manila Police District (MPD), tubong Ilocos Sur at nakatira sa Macaba Compound, Upper Banlat, Brgy. Tandang Sora, QC.
STAR / Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Isang 47-anyos na misis ang nasa kritikal na kondisyon matapos na barilin sa ulo ng kanyang mister na pulis  Linggo ng gabi sa  Quezon City.

Patuloy na inoobera­han sa Quezon City Gene­ral Hospital ang biktima na si alias Analiza, 47, ng  Brgy. Bagong Pagasa, Quezon City.

Nasa kustodiya na ng Talipapa Police Station ang suspek na pulis na may ranggong sarhento at nakatalaga sa Manila Police District (MPD), tubong Ilocos Sur at nakatira sa Macaba Compound, Upper Banlat, Brgy. Tandang Sora, QC.

Batay sa report ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa bahay ng ama ng suspek sa Barangay Bagong Pagasa, Quezon City.

Nabatid na nagdiriwang ng kaarawan ang ama ng pulis kung saan bisita ang mag-asawa.

Nabatid na sa gitna ng kasiyahan ay may nabasang text message ang biktima sa cellphone umano ng  suspect.

Dito umano kinompronta ng misis ang mister na humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa barilin ng pulis ang kanyang misis.

Inihahanda ang kasong isasampa laban sa suspect.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with