Big-time rollback sa petrolyo, lalarga
MANILA, Philippines — Higit P2 kada litro ang ibababa sa presyo ng gasolina at kerosene ngayong Martes, habang higit P1 naman sa kada litro ng diesel
Aarangkada na ngayong araw ang bigtime oil price rollback na mga kompanya ng langis.
Ito ay makaraang ihayag ng Seaoil Philippines Corporation at Shell Pilipinas Corporation na aabutin sa P2.45 kada litro ang ibababa ng presyo ng gasolina, P2.40 per liter naman ang baba sa presyo ng kerosene at nasa P1.90 kada litro ang bawas presyo sa diesel.
Ipatutupad din ito ng mga kompanyang Cleanfuel at Petro Gazz ang ganitong presyo maliban sa kerosene.
Alas-12:01 ng umaga ay ipapatupad ng Cleanfuel ang oil price rollback, samantalang alas-6 ng umaga ang simula nang bawas presyo ng produktong petrolyo ng SeaOil, Shell at Petrogazz.
Wala namang abiso ang ibang oil companies kung magpapatupad sila ng ganitong bawas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ang oil price adjustment ay dulot nang epekto ng galaw sa presyuhan ng apat na araw na bentahan ng oil products sa merkado.
- Latest