^

Metro

300 QCitizen nabenepisyuhan ng sari-sari store package ni Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
300 QCitizen nabenepisyuhan ng sari-sari store package ni Mayor Joy
May 300 residente ng Quezon City ang nabiyayaan ng ‘Tindahan ni ate Joy’ program.

MANILA, Philippines — Umaabot sa 300 residente ng Quezon City ang tumanggap ng sari-sari store package mula sa proyektong ‘Tindahan ni Ate Joy’ ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa isang simpleng seremonya sa QC Hall compound.

Ang mga tumanggap ng Pangkabuhayan Pac­kage ay mga solo parents, mga biktima ng pang-aabuso at karahasan, nakalayang Persons Deprive of Liberty (PDL), at Persons with Disabilities (PWD) na taga lungsod.

Ang ‘Tindahan ni Ate Joy’ (TNJ) na isang socioeconomic support program ay layong matulungan na maiangat ang kabuhayan ng mga nabanggit at maging self sufficient.

Ang programa na may startup capital na P10,000 halaga ng mga grocery items tulad ng bigas, de lata, cooking oil, hygiene products at iba pang pangunahing basic commodities.

Ang programa ay sinimulan noong 2013 at mula noon hanggang nitong taong 2023 ay nakapagbigay na ang programa ng Sari Sari store package sa may 5,733 residente sa lungsod, kasama dito ang mga home-bound mot­hers, Unemployed Solo Parents, Survivors ng mga karahasan at pang aabuso, Released Persons Deprive of Liberty (PDL), Persons with Disabilities (PWD) at ina ng mga pwd child.

PWD

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with