^

Metro

Birthday party niratrat: Celebrant, 1 pa patay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Birthday party niratrat: Celebrant, 1 pa patay
Dead on the spot ang mga biktimang sina Jose Enrico Madriaga, 25, residente ng Brgy. 176, Caloocan City at ang kaibigan nitong si Leonard Nogal, 25, ng natura ring barangay dahil sa  tama ng mga bala ng baril sa ulo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi na natapos ng isang lalaki ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan nang pagbabarilin siya at mapatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Dead on the spot ang mga biktimang sina Jose Enrico Madriaga, 25, residente ng Brgy. 176, Caloocan City at ang kaibigan nitong si Leonard Nogal, 25, ng natura ring barangay dahil sa  tama ng mga bala ng baril sa ulo.

Sugatan naman si James Richard, 24, alyas Tibo.

Agad namang naaresto ang suspek na si Carlos Chavez, 24, isang pintor sa isinagawang follow up operation ng mga pulis.

Nabatid na nangyari ang pamama­ril dakong ala-1 ng madaling araw sa bahay ng  biktimang si Madriaga.

Batay sa pagsisiyasat ng Caloocan City Police Sub-Station 13, nagdiriwang ng kanyang birthday si Madriaga kasama ang mga kaibigan at nag-iinuman sa loob ng kanyang bahay nang pumasok ang suspek at pagbabarilin ang mga biktima.

Nang makitang naliligo sa dugo ang mga biktima, mabilis na tumakas si Chavez dala ang ginamit na baril.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng   Northern Police District Forensic Unit sa pangunguna ni PStaff Master Sergeat Salvador Labareno na limang basyo ng  caliber 45 ang nakuha sa crime scene.

Bagama’t nahuli ang suspek, hindi naman nabawi ang ginamit nitong baril.

Inihahanda na ang kasong laban sa suspek.

Inaalam pa rin ang motibo sa isinagawang pamamaril sa mga biktima.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with