2 huli sa higit P1 milyong shabu
MANILA, Philippines — Mahigit sa P1-milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng Parañaque City Police Station Drug Enforcement Unit, kamakalawa.
Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas “Marvin”, 28 at alyas “Eduard”, 20.
Sa ulat, dakong alas-11:40 ng umaga ng isagawa ang operasyon sa Barangay San Dionisio, Parañaque City.
Nasamsam sa mga ito ang nasa 150 gramo ng hinihinalang shabu na katumbas ng ?1,020,000.00.
Samantala, ipinagmalaki naman ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Leon Victor Rosete na nasa 80 katao ang nalambat ng kaniyang mga tauhan sa ika-27 warrant day operation sa loob ng isang araw.
Kinabibilangan ito ng 10 katao na nabibilang sa Top Most Wanted Persons, 31 indibidwal na Most Wanted Persons, at 39 ang Other Wanted Persons.
Iniulat din ni Rosete na umabot sa ?3.385,412.40 halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa isang linggong anti-criminality operations, simula Agosto 5 hanggang 11, na umabot sa kabuuang sa 478.64 gramo ng shabu, 12.17 gramo ng marijuana at 76 tableta ng ecstacy.
- Latest