^

Metro

Rerouting sa grand homecoming ni Yulo, iba pang atleta, inilabas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Rerouting sa grand homecoming ni Yulo, iba pang atleta, inilabas
Olympic gold medalist Carlos Yulo’s winning performance at the #ParisOlympics2024 Men's Artistic Gymnastics- Floor Exercise Finals on Saturday August 4, 2024 (PH time).
AFP

MANILA, Philippines — Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng rerouting para sa gaganaping Heroes Grand Homecoming Parade para kay two-time gold medalist Carlos Yulo, iba pang 2024 Paris Olympic medalists, at lahat ng Filipino Olympians bukas, Agosto 13, ng alas-3:00 ng hapon.

Nabatid na ang ruta ng parada ay magmumula sa Philippine Internatio­nal Convention Center (PICC), simula sa V. Sotto Center Island, kakaliwa sa Roxas BIvd., kakanan sa P. Burgos Avenue, didiretso sa Finance Road, didiretso sa Ayala Blvd., -didiretso sa P. Casal St., didiretso sa Legarda St., kakanan sa Mendiola St., kakanan sa Jose Laurel St hanggang sa Palasyo ng Malakanyang.

Pinayuhan ang mga motorsita na dumaan sa mga alternatibong ruta-- ang northbound patungong R10 ay gumamit ng Roxas Blvd. Service Road, Taft Avenue, F.B. Harrison Street, A. Mabini Street. Gayundin ang southbound, dapat dumaan sa T.M Kalaw at U.N. Avenue sa Maynila.

Magpapatupad rin ang MMDA ng “stop-and-go scheme” sa mga pangunahing lugar kung saan daraan ang parada.

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with