^

Metro

Piston palalawakin pa ang ikinasang 3 araw na tigil-pasada

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Piston palalawakin pa ang ikinasang 3 araw na tigil-pasada
Different transport groups participate in the “unity walk” from Welcome Rotonda in Quezon City to Mendiola, Manila on August 5, 2024 in support of the public utility vehicle modernization program (PUVMP).
Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston) na sasama sila sa gagawing tatlong araw na protesta ng grupong Manibela sa August 14 hanggang August 16.

Sa panayam ng PSN, sinabi ni Mody Floranda, national President ng Piston na hihigitan nila ang araw ng protesta ng Manibela dahil hindi lamang sa Metro Manila gagawin ang kanilang pagkilos kundi pati na rin sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Anya, inaasahan ng Piston na aabutin ng may 70 percent hanggang 80 percent ang paralisasyon sa biyahe ng mga pampasaherong sasakyan sa gagawin nilang ibat ibang uri ng protesta ngayong buwan.

“Ang buwan ng Agos­to ay tinawag naming ‘Buwan ng Protesta’ kaya ‘yung tatlong araw na pagsama namin sa rally ng Manibela ay hihigitan pa namin ng Piston dahil hindi lamang Metro Manila ang konsentrasyon”, pahayag ni Floranda.

Iginiit nito na dapat muling pag-aaralan ang PUV modernization na itinutulak ng LTFRB at DOTr dahil wala pa naman itong katiyakan na may totoong tulong para mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at mapapabuti ang kabuhayan ng mga maliliit na tsuper sa bansa.

“22 senador ang pumirma para sa suspension ng PUV moder­nization kaya dapat muling pag-aralan ang programang ito at kung talagang may hatid na tulong sa aming hanay, naglabas ang LTFRB ng resolosyon noong April 30 na 80 percent ang nag- comply sa modernization pero may 244 ruta sa Metro Manila ang non-compliant sa programa at 2,600 ruta ang  non compliant sa consolidation, yang datus ng LTFRB ay pinangatawanan na nila at ibinigay kay PBBM pero hindi muna nila inalam kung anu ang epekto ng programa sa aming maliliit na tsuper” dagdag ni Floranda.

Binigyang diin nito na patuloy nilang kakalampagin ang gob­yerno sa buong buwan ng Agosto dahil sa ani­lay hindi makatwirang pagpapatupad ng PUV modernization na hindi pabor sa sambayanang Pilipino partikular sa maliliit na driver at opera­tor ng pampasaherong sasakyan sa bansa.

PISTON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with