1 patay,1 sugatan sa gumuhong pader sa Makati

Kinilala lang sa alyas na “Dilis” ang nasawi na idineklarang patay ng rumespondeng doctor sa lugar na pinangyarihan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang obrero nang mabagsakan ng dinidemolish na gusali habang isa pa ang nasugatan, sa Makati City, Biyernes ng hapon.

Kinilala lang sa alyas na “Dilis” ang nasawi na idineklarang patay ng rumespondeng doctor sa lugar na pinangyarihan.

Sugatan at ginagamot sa Makati Medical Center ang isa pang obrero na si alyas “John Paul”.

Sa ulat ng Palanan Sub-Station ng Makatu City Police, dakong alas-3:00 ng hapon nang maganap ang aksidente sa loob ng ginigibang istraktura sa Olivares St., sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, ang dalawa ay magkasama bilang stay-in laborer at sa oras ng trabaho at biglang bumagsak sa kanila ang mismong ginigibang fire wall

Agad namang iniulat ang insidente sa Palanan Sub-Station na nirespondehan ng imbestigador at SOCO ng Makati Police.

Show comments