MANILA, Philippines — Himas rehas ngayon ang isang AWOL (absent without official leave) na policewoman at isa pa matapos na makuhanan ng halos P1 milyong halaga ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation nitong Miyerkules sa Valenzuela City.
Agad na pinosasan ng mga pulis sa pangunguna ni Capt. Regie Pabdora ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) sina alyas Joan, 37, AWOL na policewoman, at alyas Trudis.
Isinagawa ang buy-bust dakong alas-4:20 ng hapon sa harap mismo ng tahanan ng mga suspek.
Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay bunsod ng ikinasang operasyon nang pagbentahan ng halagang P2,000 cash ang poseur-buyer.
Nasamsam ng pulisya sa dalawa ang humigit-kumulang sa 143.6 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P976,480.00 at mga drug paraphernalia, kabilang ang isang glass pipe na may bahid pa ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Nabatid kay Maj. Jeraldson Rivera, hepe ng DDEU, halos isang linggo nilang minomonitor ang galaw ng mga suspek hanggang kumagat sab’meet up’ na nagresulta sa kanilang pagkakadakip.