Tren ng MRT-3, tumirik

Sa abiso ng MRT-3, nabatid na dakong alas-8:37 ng umaga nang magka-aberya ang tren sa northbound lane, sa pagitan ng Boni Avenue sa Mandaluyong City sa Guadalupe Station, sa Makati City.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines —Tumirik ang isang tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos na dumanas ng isyung teknikal kahapon.

Sa abiso ng MRT-3, nabatid na dakong alas-8:37 ng umaga nang magka-aberya ang tren sa northbound lane, sa pagitan ng Boni Avenue sa Mandaluyong City sa Guadalupe Station, sa Makati City.

“At around 8:37 am today, a technical issue was reported in the leading car of a train set in between the stations of Boni Avenue and Guadalupe (Northbound),” anang MRT-3.

Dahil dito, pinababa ang mga lulang pasahero ng tren at inilipat sa kasunod na tren.

Ayon sa MRT-3, ang concerned train ay na­ging stable sa pocket track ng Shaw Boulevard Station dakong alas-9:03 ng madaling araw at nakatakdang isailalim sa higit pang pagsusuri sa kanilang depot.

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa mga pasaherong naapektuhan ng aberya.

Show comments