^

Metro

Sunog sa Tondo: 18 fire volunteers, sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 18 fire volunteers ang nasugatan at nasaktan sa isang sunog na sumiklab sa isang lumang gusali sa Tondo, Manila, kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktima ay pawang nagtamo ng first to second degree burns sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Lumilitaw sa report ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP) na dakong alas-7:51 ng gabi ng Huwebes nang sumiklab ang sunog sa 0383 Guidote St., Balut, sa Tondo.

Ayon sa Manila BFP, ang nasunog ay isang apat na palapag na lumang gusali, na may roofdeck, at may mixed occupancy.

Nabatid na nagsimula ang sunog sa repair at storage area ng ikalawang palapag ng gusali, na pagma-may-ari umano ng isang Anna Lim Koo at inookupahan naman ng isang “Mr. Soon.”

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa P19,985,000 ang halaga ng mga ari-ariang naabo sa sunog, na hindi pa batid ang pinagmulan.

Habang isinusulat naman ang balitang ito ay nasa ikalawang alarma pa lamang ang sunog at patuloy pang inaapula ng mga awtoridad.

SUNOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with