600 plaka ng sasakyan, nakaimbak sa dealer, nabuko

MANILA, Philippines — Nadiskubre ng Land Transportation Office (LTO) ang 600 na pares ng plaka ng mga sasakyan sa isang car dealer sa Quezon City matapos isagawa ang surprised inspection dito.

Ang naturang pares ng mga plaka ay nakitang nakaimbak lamang sa opisina ng isang car dealer  at hindi pa ipinamamahagi  sa mga car owners na napagbentahan  nila ng sasakyan.

“On the part of the LTO, I can assure you that there is no longer a backlog on the license plates for four-wheel vehicles. The problem, however, is that these license plates are not properly distributed and remain in the possession of the motor vehicle dealers,” sabi ni LTO Chief Vigor  Mendoza nang magsagawa nang personal na surprised visit sa car dealer sa QC.

Binigyang diin ni Mendoza, batay sa ginawang pag-aaral na halos hindi na iniintinding kunin ng mga car owners ang kanilang car plates dahil nakakapaglakbay ang mga ito kahit walang plaka ang sasakyan.

Bunga nito, higit pang pinaigting ni Mendoza ang pagpapairal sa “No Plate, No Tra­vel” policy laluna sa mga  four-wheel vehicles.

Hinikayat din ni Mendoza ang mga car dealers na agad ipa­mahagi sa mga car owners ang plaka ng mga sasakyan para sa kapakanan ng mga motorista.

Show comments