^

Metro

Sunog sa Maynila: Senior citizen patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Sunog sa Maynila: Senior citizen patay
Sa isinagawang mopping operation na lamang natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng 69-anyos na biktima na hindi kaagad pinangalanan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang lolong dumaranas ng Alzheimer’s disease nang ma-trapped sa nasusunog nilang bahay sa Sampaloc, Manila kamakalawa.

Sa isinagawang mopping operation na lamang natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng 69-anyos na biktima na hindi kaagad pinangalanan.

Lumilitaw sa inisyal na ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP) na dakong alas-5:23 ng hapon nang magsimulang sumiklab ang sunog sa isang dalawang palapag na tahanan sa H G. Tuazon St., sa Sampaloc at pagma-may-ari ng isang Teresita Saba, ngunit inookupa umano ng mag-asawang kinilala lang na sina Zeny at Arthur.

Umabot lamang ng ikalawang alarma ang sunog bago naideklarang under control dakong alas-6:11 ng gabi at tuluyang naapula dakong alas-6:18 ng gabi.

Sa pagtaya ng mga awtoridad nasa 50 pamilya o 200 indibidwal ang nawalan ng tahanan sa sunog na tumupok sa may 20 kabahayan.

Inaalam pa naman ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog, na tinataya ring tumupok sa aabot sa P225,000 ang halaga ng mga ari-arian.

SUNOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with