‘Unity Walk’ ng transport groups, payapang naidaos
MANILA, Philippines — Naging matagumpay at mapayapa ang ‘Unity Walk’ na idinaos ng iba’t ibang transport cooperative groups upang tutulan ang planong suspensiyong isinusulong ng Senado laban sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.
Nabatid na dakong alas-6:00 ng umaga nang magsimulang magtipun-tipon ang grupo sa Welcome Rotonda at saka sama-samang nagmartsa patungo sa Palasyo ng Malakanyang.
Ayon sa MPD, dakong alas-9:40 ng umaga nang simulan ng grupo ang programa sa Legarda St., kanto ng Mendiola St. sa Maynila, at nagtapos dakong alas-10:12 ng umaga.
Sa naturang protesta, iginiit ng mga transport leaders na ibasura ang Senate Resolution no. 1096 na nagrerekomenda ng temporary suspension sa PUVMP.
Anila pa, hindi na dapat pang suspendihin ang PUVMP at sa halip ay dapat na magkaroon ng budget ang programa ngayong 2024.
Pasado ala-1:00 ng tanghali naman nang boluntaryo nang mag-disperse ang grupo at magsiuwi.
Sa pagtaya ng MPD, nasa mahigit 500 indibidwal ang lumahok sa protesta.
- Latest