Katiting na rollback, ipapatupad

Ipinahayag ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, at Chevron Philippines na epektibo alas-6:01 ng umaga ng Martes, ang P0.10 bawas sa kada litro sa premium at unleaded na gasolina, P0.20 sa kada litro sa diesel, at P0.45 sa kada litro sa kerosene.

MANILA, Philippines — Sa ikaapat na pagkakataon, magpapatupad ng bahagyang rollback sa presyo ng diesel at ikatlo naman sa gasolina ang mga lokal na kumpanya ng langis ngayong araw.

Ipinahayag ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, at Chevron Philippines na epektibo alas-6:01 ng umaga ng Martes,  ang P0.10 bawas  sa kada litro sa premium at unleaded na gasolina, P0.20 sa kada litro sa diesel, at P0.45 sa  kada litro sa kerosene.

Dalawang iba pang malalaking kumpanya ng langis, ang PTT Phi­lippines at Total Philippines, kasama ang mga independent oil players Jetti Petroleum, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Unioil Phi­lippines, at Eastern Petroleum, na hindi nagbebenta ng kerosene, ay nag-anunsyo na babawasan din nila ang kanilang pump prices ng diesel. at mga produktong gasolina sa parehong antas ngayong alas-6:01 ng umaga habang ang Clean Fuel na mauuna sa pagpatak pa lang ng 12:01 ng hatinggabi ng Martes.

Inihayag noong nakaraang linggo ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) ang posibleng bahagyang rollback sa mga produktong petrolyo kasunod ng paghina ng demand mula sa China at ang panukala ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC)+ na pataasin ang kanilang produksyon sa palakasin ang mga suplay sa merkado sa mundo.

Show comments