^

Metro

2 sugatan; 110 pamilya, nawalan ng tahanan sa sunog sa Maynila

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang volunteer firefighters ang sugatan habang nasa 110 pamilya ang nawalan ng tahanan sa isang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Sampaloc, Manila kahapon

Hindi kaagad pinangalanan ang mga nasugatang vo­lunteer firefighters na nagtamo ng sugat habang inaapula ang sunog.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-10:25 ng umaga nang magsimulang sumiklab ang sunog sa ikatlong palapag ng isang 3-storey house na matatagpuan sa Matimyas St., sa Sampaloc.

Ang tahanan na gawa lamang sa light materials, ay pagma-may-ari umano ng isang Ruben Ologenio at inuokupa naman ng mag-asawang Felisa at Ricardo Payumo at isang Angelito Obemio.

Umabot ng ikatlong alarma ang sunog na tumupok sa tinata­yang nasa 50-tahanan bago naideklarang under control dakong alas-11:37 ng umaga at tuluyang naapula dakong ala-1:05 ng hapon.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, nasa 110 pamilya o 330 indibidwal ang nawalan ng tahanan sa sunog, na tumupok sa P115,000 ang halaga ng mga ari-arian.

Inaalam pa naman ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.

vuukle comment

FIREFIGHTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with