^

Metro

‘Unity Walk’ kontra PUVMP suspension, larga na

Mer Layson, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
âUnity Walkâ kontra PUVMP suspension, larga na
A fleet of modernized jeepneys, equipped with Euro 4 engines, remains idle at the San Juan Rosario Transport Service Cooperative terminal in San Juan City on January 8, 2024.
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Arangkada na ngayong Lunes ang “unity walk” ng mga dri­vers at operators ng mga transport groups na tutol sa resolusyong inilabas ng Senado na nagrerekomenda sa suspension ng Public Utility Vehicles Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Tinatayang aabot sa 5,000 hanggang 10,000 drivers at operators ng iba’t ibang transport cooperatives ang inaasahang lalahok sa “unity walk” upang ipakita ang kanilang mariing pagtutol sa suspension ng PUVMP.

Ayon kay Ed Comia, convenor ng Koope­ratiba at Korporasyon ng Alyansang Pilipino para sa Modernisasyon (AKKAP MO) magsisimulang magtipon-tipon ang mga pro-PUVMP sa Mabuhay Welcome Rotonda sa Quezon City dakong alas-6 ng umaga at magmamartsa patu­ngong Malakanyang sa Maynila.

Sinabi naman ni Melencio Vargas, pangulo ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Phi­lippines (ALTODAP), hindi nabigyan ng pagkakataon ang mga pro-PUVMP groups na humarap at makapagsalita sa Senado. Nasa 22 senador ang pumirma sa resolusyon para sa pansamantalang suspensyon ng PUVMP.

Ani Vargas, nakakasama aniya ng loob na sumunod sila at nais naman ngayong ipatigil.  Kung gusto anilang ipatigil ang modernisasyon, dapat ay 2016-2017 pa lang tinutulan na nila ito.

Samantala, sinabi ni Jeph Gochengco, national president ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) na hindi lalahok ang “Magnificent 7” sa “unity walk” dahil naniniwala silang ang transport strike ay hindi solusyon sa pagtugon sa isyu ng PUVMP.

Tiniyak naman ni Mar Valbuena, presidente ng Manibela, na may libreng sakay silang ilalaan sa Metro Manila at kalapit lalawigan para sa mga posibleng maapektuhan ng kilos protesta.

Kaugnay nito, magbibigay ang Philippine National Police (PNP) ng seguridad at tulong sa mga commuters na maapektuhan sa “unity walk” ng transport groups.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) chief PCol. Jean Fajardo, bukod sa kanila ay magpapakalat ng mga libreng sakay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa mga maapektuhang commuters.

Dagdag ni Fajardo, magde-deploy ng mga mobile patrols at iba pang mobility assets ang PNP sa unity walk para matiyak ang seguridad sa lansangan at ang mga matityempuhang mga kababayan sa stranded ay maaari nilang bigyan ng assistance at isakay patungo sa kanilang paroroonan.

Naglagay na rin ng checkpoints at border controls ang PNP sa ilang lugar sa Metro Manila upang masigurong magiging mapayapa at maayos ang unity walk ng mga transport groups ngayong araw.

MMDA

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with