MANILA, Philippines — Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na wanted sa mga awtoridad sa Beijing dahil sa trafficking ng kanyang mga kababayan palabas ng China upang magtrabaho sa online gaming establishments na nag-o-operate sa Pilipinas.
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang dayuhan na si Wang Chuancong, 35, na naaresto ng mga tauhan Fugitive Search Unit (FSU) ng BI noong Hulyo 30 sa kanyang condominium unit sa Roxas Blvd., Parañaque City.
Ayon kay Tansingco, naglabas siya ng mission order para sa pag-aresto kay Wang sa kahilingan na rin ng Chinese government.
Si Wang ay subject ng isang detention warrant na inisyu ng municipal public security bureau sa Jinjiang, China noong Abril 2024 kung saan siya sinampahan ng kasong human trafficking na isang serious criminal offense sa ilalim ng Chinese law.
“We were told that he heads a syndicate that facilitates the illegal departure of Chinese nationals by forging documents to facilitate their outbound travel in China,” ani Tansingco. “This allows them to travel to different countries including the Philippines to work in online gaming hubs,” dagdag nito.
Natuklasan na si Wang ay isa nang undocumented alien matapos na kanselahin ng Chinese government ang kanyang pasaporte. (