11 nasawi sa Binondo fire, kilala na lahat
2 PCG personnel kabilang
MANILA, Philippines — Nakilala nang lahat ang 11 nasawi sa sunog na naganap sa Binondo nitong Biyernes.
Sinabi ni Michael Barios, may-ari ng SRB Sanctuary Funeral na pito ang daraan sa cremation, kung saan isa na ang natapos ma-cremate kahapon.
Sinabi ni Barios na hindi na ike-cremate ang asawa ng may-ari ng karinderya na kabilang sa mga establisimentong nasunog sa lumang gusali.
Siyam sa 11 ang natapos na ang pag-awtopsiya.
Marami aniya, ang mga kaanak na nasa kanilang chapel na naghihintay na natapos ang cremation.
Posibleng sa Lunes ay makumpleto nang maproseso ang lahat ng mga bangkay para maiuwi na ng mga kaanakl,
Samantala, kinumpirma ng Philippine Coast Guard na dalawa nilang tauhan ang nasawi sa nasabing sunog.
Sa pahayag nitongSabado ng PCG, nagpaabot ng pakikidalamhati ang pamunuan at mga tauhan ng PCG sa pamilyang naiwan ng dalawang personnel na sina Apprentice Seaman (ASN) Ian Paul Fresado at ASN Mark Hernandez.
Ayon sa PCG, pansamantalang nag- bo-board ang dalawa sa nasabing gusali.
Sina Fresado and Hernandez ay miyembro ng Coast Guardsman Course (CGMC) Class 105, na nakatalaga sa Marine Environmental Protection Command (MEPCOM).
Nakikipag-ugnayan na rin si PCG spokesperson CG Rear Admiral Armando Balilo sa mga kaanak ng dalawang nasawi.
- Latest