MANILA, Philippines — Pumalo na sa 13 ang bilang ng nasawi sa leptospirosis sa Quezon City.
Lumilitaw na anim ang nasawi mula sa District 5, tatlo dito ay mula sa Brgy. Nagkaisang Nayon, tig-isa sa Brgy. Bagbag, Fairview at San Agustin.
Tatlo sa District 2, dalawa sa Brgy. Commonwealth at isa sa Brgy. Payatas B, habang dalawa sa District 4 mula sa Barangay Laging Handa at San Vicente at isa sa Brgy. E. Rodriguez sa District 3 at Brgy. Tandang Sora sa District 6.
Batay sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, mula Enero 1 hanggang Agosto 1, 2024, nakapagtala na ng 105 kaso ng leprospirosis sa lungsod.
Ngayong panahon ng tag-ulan, nagpaalala ang QC local government unit (LGU) na mag- ingat at magsuot ng proteksyon sa paa, sa paglusong sa tubig baha.
Nakukuha ang leptospirosis sa ihi ng hayop tulad ng daga.
Pinapayuhan ang lahat na pumunta kaagad sa health center o pagamutan kung may maramdamang sintomas ng leptospirosis.