Binondo fire: 11 patay
MANILA, Philippines — Labing-isa katao ang nasawi sa sunog na sumiklab sa isang gusali sa Binondo, Manila, kahapon ng umaga.
Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa inilalabas ng mga awtoridad ang pangalan ng mga biktima.
Batay sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog dakong alas-7:20 ng umaga sa canteen ng apat na palapag na residential-commercial building sa Carvajal St,. sa Binondo.
Sinasabing nagsimula ang sunog sa isang tumagas na tangke ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ng kantina.
Dakong alas-10:04 ng umaga nang maideklarang fireout ang sunog.
Ayon kay Kagawad Nelson Ty, ng Barangay 289, na-trapped ang mga biktima at hindi na nakalabas, na nagresulta sa kanilang kamatayan.
Samantala, nagpaabot naman si Manila Mayor Honey Lacuna nang pakikiramay sa mga biktima.
Kaagad ring nagpadala ng tulong ang alkalde para sa kanilang pamilya.
Inaantabayanan pa umano ng pamahalaang lungsod ang opisyal na ulat mula sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa nangyaring trahedya.
- Latest