MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Energy na asahan na ng mga motorista ang posibleng rollback sa mga produktong petrolyo sa darating na linggo.
Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero, ilan sa mga ipatutupad ay gasolina na walang adjustment o rollback na P0.20; sa diesel, rollback na P0.20 hanggang P0.40 kada litro ; kerosene, rollback na P0.30 hanggang P0.35 kada litro.
“The downward pressure is attributed to the weakening demand from China and the plans of OPEC+ to increase supplies in the world market,” ani Romero.
Gayunman, nagbabala ang DOE sa posibleng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa hinaharap dahil sa lumalalang tensyon sa Middle East.
Inanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang opisyal na pagsasaayos ng presyo para sa isang linggo tuwing Lunes, na ipatutupad sa susunod na araw.
Epektibo noong Martes, Hulyo 30, binawasan ng mga kumpanya ng gasolina ang kada litro ng presyo ng gasolina ng P0.75, diesel ng P0.85, at kerosene ng P0.80.
Ang pinakahuling paggalaw ng presyo ay nagdala ng year-to-date adjustments na tumaas sa netong pagtaas ng P9.60 kada litro para sa gasolina at P6.85 kada litro para sa diesel.