MANILA, Philippines — Mahigit sa P7.7 milyong halaga ng illegal na droga mula sa tatlong abandonadong parcel ang nasabat ng Bureau of customs at NAIA PDEA-IADITG sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa domestic road, Pasay City.
Una rito naharang ng customs examiners ang parcel na idineklarang collectable camera fil. roll na padala ng ABH Studios ng California, USA na para sa isang consignee na alyas “Eleazar” ng Cebu City na naglalaman ng 96 boxes ng cartridge marijuana oil na may standard drug price na aabot sa P5,760.00.
Ang pangalawang parcel ay idineklarang women t-shirt na padala ng isang Linda Kim mula sa America na naka-consigned sa isang alyas “Rivera” ng Bacolod City, Negros Occidental na nakalagay sa plastic bag na naglalaman ng Marijuana (Kush) na 468 gramo at may standard drug value na P655,200.
Ang pangatlong parcel na idineklarang cloths & dener stone na padala naman mula sa Pakistan na naka-consigned sa isang alyas “Erin” ng Naga City, Camarines Sur, na naglalaman ng 957 grams na hinihinalang shabu na may standard drug value of P6,507,600.00.
Ang mga nasamsam na illegal na droga na may kabuuang halaga na P7,738,800 ay naiturn-over na ng BOC sa NAIA PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.