^

Metro

BuCor officer, 1 pa na pumatay, humoldap sa mag-inang negosyante arestado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
BuCor officer, 1 pa na pumatay, humoldap sa mag-inang negosyante arestado
Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang mga nadakip na sina Correction Offi­cer 1 Jonathan Aneiro Eulalio at Raymond David Reyes, isang dating person deprived of liberty.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

Bangkay itinapon sa bangin

MANILA, Philippines — Arestado sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang tauhan ng Bureau of Correction (BuCor) at da­ting preso kaugnay ng ­panghoholdap at pagpatay sa mag-inang negos­yante noong nakaraang buwan sa Baesa, ­Quezon City.

Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang mga nadakip na sina Correction Offi­cer 1 Jonathan Aneiro Eulalio at Raymond David Reyes, isang dating person deprived of liberty.

Nahuli ang mga ito noong Hulyo 11 kung saan Isinasangkot si Vergel Burata Olanda na empleyado ng mga biktimang si Gloria Razon Ortega at anak na si Christian.  Una nang nadakip ng PNP-Anti-Kidnapping Group si Olanda.

Ayon kay Santiago, lumilitaw sa imbestigasyon na nagsab­watan umano sina Eulalio, Reyes at Olanda upang harangin, holdapin at tangayin ang negosyanteng si Gloria, 70.

Nangyari ang insidente dakong alas- 2:45 ng madaling araw noong Hunyo 10 sa harap ng Lucas R Pascual Elementary School sa JR Pascual St., Brgy. Baesa, ­Quezon City.

Minamaneho ni Christian, 40 ang Mistubishi L300 sakay ang inang si Gloria at binabagtas ang JR Pascual St. nang harangin ng mga suspek. Pinagbabaril ng mga suspek si Christian habang tinangay si Gloria.

Tumakas ang mga suspek sakay ng ­Toyota Fortuner at nagpaikot ikot sa Pampanga, Tagaytay, at Laguna.

Tinutukan ng NBI ang kaso at sa tulong ng NBI-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) at NBI-Public Corruption Division (NBI-PCD) naaresto sina Eulalio at Reyes.

Nabatid na hu­mingi ng P5 milyon ransom money ang mga suspek na na-track ng NBI.

Posibleng nataranta ang mga suspek kaya nagpasyang patayin si Gloria.

Sa follow-up ope­ration natagpuan ang bangkay ni Gloria sa bangin na malapit sa dump site sa Talahiban, Barangay Sta. Cruz, Bay, Laguna Hulyo 12.

Ang bangin na pinagtapunan kay Gloria ay katabi ng property na dating pinagtatrabahuhan ni Olanda.

Kinasuhan na sa Department of Justice ng robbery with homicide at kidnapping for ransom with homicide ang mga suspek.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with