100 sako ng basura nakolekta sa Manila Bay, iba pang lugar sa NCR

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 100 sako ng basura ang nakolekta mula sa Manila Bay kasunod ng malakas na pag-ulan at malakas na alon dala ng Habagat na pinalakas ng bagyong Carina.

Tambak na basurang plastik, bote, kahoy at kawayan ang mga naanod sa Manila Bay , na isang tourist attraction na Dolomite Beach ang nakuha ng mga tauhan ng Metro Parkways Clearing Group ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong Huwebes, Hulyo 25.

Tumulong din sa pagkolekta ng basura ang mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment, ayon MMDA.

Nasa 22 truckloads sa kabuuan ang nahakot ng MMDA at nalinisan naman ang mga natakpan ng putik na mga kalsada.

Nagdala rin ang mga tauhan ng MMDA ng solar-powered water purifiers na kayang maglalabas ng 180 gallons ng malinis na tubig kada oras, gayundin ang mga tolda at iba pang kinakailangang kagamitan, ayon sa ahensya.

Show comments