^

Metro

Sunog sa Marikina : 1 patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na nakaligtas sa kamatayan ang isang matandang lalaki nang ma-trap sa sunog nang dahil lamang sa pagsisikap na maisal­ba ang mga mahahalagang dokumento na kaniyang binalikan, sa Barangay Tumana, Marikina City, Biyernes ng madaling araw.

Bukod sa nasawi, isa pang residente ang nagtamo ng 2nd degree burns sa mukha at likod habang isang bumbero ang nakaranas ng hirap sa paghinga bunsod ng nalanghap na usok.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Marikina, nagsimula ang sunog sa isang residential area sa Pipino Street Brgy. Tumana, Marikina alas-2:50 ng madaling araw at naideklarang fire-out makalipas ang  mahigit isang oras.

Sa inisyal na ulat, ang biktima na isang senior citizen ay nakalabas na sa nasusunog na tahanan nang balikan pa nito ang mga mahahalagang dokumentong  para maisalba.

Pinaniniwalaang nag-collapse ang ikala­wang palapag ng bahay nito ang biktima na naging dahilan upang ma-trap ito.

Sa paghahanap sa kaniya ng ilang oras, natagpuan ang bangkay niya sa kata­bing apartment na posibleng nagsumikap pang makalabas suba­lit hindi na nakayanan.

Patuloy pa ang Arson investigators sa pagtukoy sa sanhi ng sunog at sa halaga ng napinsalang ari-arian.

vuukle comment

BFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with