^

Metro

Retiradong sundalo nalunod sa baha sa loob ng bahay; babae nakuha sa creek

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Retiradong sundalo nalunod sa baha sa loob ng bahay; babae nakuha sa creek
Kinilala ang biktimang si Reynaldo Viloria Silapan, retired 2nd Lieutenant ng Philipine Air Force (PAF), at residente ng Barangay 183, Pasay City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang 73-anyos na retiradong sundalo ng Philippine Air Force (PAF) ang nalunod sa baha sa loob mismo ng kanilang bahay, sa Pasay City, sa kasagsagan ng pagbuhos ulan dulot ng Habagat at bagyong Carina , Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Reynaldo Viloria Silapan, retired 2nd Lieutenant ng Philipine Air Force (PAF), at residente ng Barangay 183, Pasay City.

Sa ulat ng Pasay City Police Station, dakong alas-8:30 ng umaga ng Hulyo 24, nang idekla­rang patay ang retiradong sundalo ni Dr. Joseph Rene Hallare, ng Phil Air Force General Hospital .

Sa imbestigasyon ni PSSg Eugene Braza, isinalaysay ng anak  na lalaking miyembro rin ng military, na nadiskubre na lang nila ang ama na walang malay alas-6 ng umaga sa basement ng kanilang bahay na nalubog sa baha.

Mabilis umano nilang iniahon at nilapatan ng CPR ang ama, at isinugod pa sa PAF General Hospital, sa Villamor Air Base para makarekober subalit wala na rin itong buhay.

Kabilang ang lungsod ng Pasay sa Metro Manila na lumubog sa baha nitong Huwebes.

Samantala, nakuha  naman sa creek ang bangkay ng isang  babae na inilarawan na nasa edad 15-20, may taas na 5’5, balingkinitan ang pangangatawan, kayumanggi at walang saplot sa katawan dakong alas-11:41 ng gabi nitong Miyerkules sa Tabing Ilog Plaza St., Kaingin Bukid, Brgy Apolonio Samson, Quezon City.

Ilang residente ang humingi ng tulong kay Ensign Joven Tambal ng Coast Guard District na may babaeng nalunod na posibleng inanod.

Agad na nagsagawa ng retrieval operation si Tambal kasama ang ilang opisyal ng Brgy. Apolonio Samson at nakuha ang bangkay ng biktima.

Posible umanong nahulog ang biktima sa ilog sa kasagsagan ng malakas na ulan at tumama ang ulo sa bato kaya nagtamo ng sugat.

Nasa pangangalaga ng St. Elrich Funeral Homes ang biktima.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with