2 simbahan sa Quezon City lubog sa baha, misa suspendido
MANILA, Philippines — Pansamantalang suspendido simula kahapon ang mga misa sa dalawang simbahan sa Quezon City matapos na pasukin ng tubig baha at lumubog dahil sa bagyong Carina.
Simula kahapon ay suspendido ang misa sa San Antonio de Padua Parish sa San Francisco Del Monte at Most Holy Redeemer Parish sa lungsod Quezon .
Lubog sa tubig baha ang mga upuan, mesa at maging ang altar ng San Antonio de Padua Parish bunsod ng hagupit ng bagyong Carina.
Sarado rin ang parish office ng simbahan.
Tila nakalutang naman ang Most Holy Redeemer Parish na napapaligiran ang tubig ang kalsada.
Nagtulung-tulung naman ang mga church volunteers at miyembro ng Bureau of Fire Protection sa paglilinis ng mga simbahan.
Ayon sa mga parishioners ngayon lamang nila naranasan ang matinding pagbaha.
- Latest