^

Metro

Obrero, kinatay ng katrabaho

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang construction worker nang pagsasaksakin ng kanyang katrabaho kamakalawa ng gabi sa Brgy. Apolonio Samson sa Lungsod Quezon.

Dead-on-arrival sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Jose Sanchez Repollo, 67, may live-in partner at residente ng Brgy. Apolonio Samson.

Nasa kustodiya naman ng pulis ang suspek na si Jaime Vigo Layson, 46, welder at naninirahan sa Sta. Mesa, Manila.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) na nangyari ang krimen dakong alas-8:45 ng gabi sa Good Will St. Brgy. Apolonio Samson, QC.

Bago ito, nabatid na nag-iinuman ang biktima at suspek sa loob ng isang construction site sa Good Will St.

Sa pahayag ng saksing si alyas Gerard, nakatayo siya sa harap ng isang sari-sari store nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek hanggang sa suntukin ng huli ang una na bumagsak sa semento.

Umalis ang biktima subalit bumalik sa lugar na may dala nang dos por dos at hinamon ang suspek na tinamaan sa binti.

Armado ng kutsilyo, gumanti ang suspek at inundayan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima saka mabilis na tumakas.

Subalit agad na nagsagawa ng follow up operation ang pulis at nadakip ang suspek. Inihahanda na ang kaso laban sa suspek.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with