P680K shabu nasabat ng PNP-DEG sa Manila drug bust

Kinilala ni PNP-DEG PBGen.Eleazar Matta ang suspek na si Sobaira Limgas Bula, 59.
Pixabay

MANILA, Philippines — Umaabot sa P680,000 halaga ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police - Drug Enforcement Group mula sa isang ‘tulak’ kamakalawa ng gabi sa Maynila.

Kinilala ni PNP-DEG PBGen.Eleazar Matta ang suspek na si Sobaira Limgas Bula, 59.

Lumilitaw na nakatanggap ng report ang mga tauhan ni Matta hinggil sa magaganap na transaksiyon kaya agad muna itong bineripika.

Nang makumpirma, agad na ikinasa ng mga operatiba ng Special Operations Unit NCR kasama ang Intelligence and Foreign Liaison Division, PNPDEG; Special Enforcement Service, Philippine Drug Enforcement Agency; Manila Police District Police Station 14, Palanca Police Community Precinct and Regional Intelligence Division, Regional Drug Enforcement Unit, National Capital Region Police Office ang anti-illegal drug operation sa Recto Ave­nue corner Matapang Street, Brgy. 392, Quiapo, Manila na nagresulta sa pagkaka aresto kay Bula.

Nakuha ang nasa 100 gramo ng pinaniniwalaang shabu.

“This operation serves as a strong message to those involved in illegal drug activities that we will continue to relentlessly pursue them and bring them to justice”, ani Matta.

Nasa kustodiya na ng PNP DEG SOU NCR ang suspek.

Show comments