MANILA, Philippines — “Generally peaceful ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “ Bongbong “ Marcos, Jr.”
Ito naman ang naging assessment ng Philippine National Police (PNP) sa kabila ng mga pag-udyok ng mga raliyista at pagsusunog ng effigy ng Pangulong Marcos nitong Lunes ng hapon.
Nakatakdang sampahan ng kaso ang mga raliyista na nagsunog ng effigy.
Ayon kay PNP Public Information Office chief at Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ang ‘peaceful na SONA’ ay bunsod ng lubos na paghahanda ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan gayundin ang koordinasyon ng mga pro at anti Marcos protesters.
“So far po, wala tayong naitala na nanggulo na mga rallyista po, both pro and anti po. At again, we also would like to thank them for honoring ‘yung kanilang ibinigay na salita na magbe-behave naman sila at susunod sila doon sa mga, kung ano ‘yung nakasaad sa permit sa kanila,” ani Fajardo.
Sa pagtaya ng PNP, nasa 4,500 protester ang anti-administration habang nasa 3,000 naman ang pro Marcos.
Dagdag pa ni Fajardo, na inaayos na ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr ang documentation ng pagsusunog ng effigy na malinaw na labag sa Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act of 1985.