Babae patay sa sunog sa Caloocan
MANILA, Philippines — Isang babae ang kumpirmadong patay matapos na sumiklab ang sunog sa Brgy. Bagong Barrio, Caloocan City kahapon ng madaling araw.
Ayon kay SFO4 Benedicto Tudla ng Bureau of Fire Protection, nangyari ang sunog dakong alas-4 ng madaling araw sa Arellano St.
Hindi na nakalabas ang 58-anyos na biktima mula sa nasusunog na bahay na umano’y gumagamit lamang ng kandila.
Nailigtas naman ang isang batang lalaki.
Mabilis na kumalat ang apoy kung saan nadamay ang ilan pang kabahayan.
Mangiyak-ngiyak naman ang mga nawalan ng tirahan dahil sa wala silang naisalbang gamit kabilang ang isang dialysis patient.
Idineklarang fire out ang sunog dakong alas-6 ng umaga habang tinatayang nasa P200,000 ang danyos ng sunog.
- Latest