^

Metro

Relief operations ng PRC sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Carina, in full swing na!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — In full swing na ang relief operations na ikinakasa ng Philippine Red Cross (PRC) sa ilalim ng pamumuno ng chairman at CEO nito na si ­Richard Gordon, para sa mga indibidwal at mga komunidad na apektado ng bagyong Carina.

Batay sa ulat ng Red Cross Operations Center, hanggang nitong Hulyo 23, nakapagpamahagi na ang PRC ng hot meals sa may 4,137 indibidwal at nakapagbigay ng child-friendly spaces sa may 1,342 minors.

Nakapagbigay na rin umano sila ng hygiene kits sa 2,428 mamamayan at nakapagkaloob pa ng 30,000 litro ng tubig sa mga apektadong residente.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Gordon na handa ang PRC na magkaloob ng mga kakailanganing tulong sa mga mamamayan.

Aniya, 24/7 ring bukas ang kanilang Operations Center upang i-monitor ang sitwasyon sa bansa dahil sa bagyo.

Nagpaalala rin siya sa mga mamamayan na mag-ingat at patuloy na maging alerto laban sa bagyo.

Samantala, nagpaalala naman si PRC Secretary-General Dr. Gwen Pang sa publiko na mayroon silang 24/7 hotline na maaaring tawagan ng mga mamamayan sakaling kailanganin nila ng tulong sa panahon ng emergency.

vuukle comment

RELIEF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with