^

Metro

Quezon City nagsuspinde ng klase, ‘Brigada Eskwela’ sa SONA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasabay ng Station of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ngayong araw, nagdeklara ng suspensyon ng klase ang Quezon City government.

Batay sa inilabas na Executive Order #16 ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, nitong Hulyo 19, 2024, layon nilang maiiwas ang mga maapektuhan ng road closure partikular na ang mga paaralan na malapit sa mga aktibidad na may kinalaman sa SONA at hinikayat ang lahat na makinig sa SONA ng Pangulong Marcos.

Ang lahat ng klase sa pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas sa QC ay suspendido ngayong araw.

Sabay ding sinuspinde ang isasagawang “Brigada Eskwela” at sa halip itinakda ito bukas, Martes.

Hanggang alas-12 lang ng hapon ngayon ang pasok naman ng mga empleyado ng Quezon City Hall maliban sa mga tauhan ng traffic management, rescue, at medical services.

Bukod rito, nagsimula nang ipatupad kaninang madaling araw ang liquor ban sa QC na tatagal hanggang alas-6 ngayong gabi upang masiguro ang kapayapaan at seguridad sa lungsod habang naglalahad ng kanyang mga accomplishments ang Pangulo.

Magugunita na nauna nang ipinatupad ng Philippine National Police (PNP) ang gun ban sa buong Metro Manila simula pa nitong Sabado na tatagal hanggang bukas, Hulyo 23.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with