300 PDLs ng NBP inilipat sa Iwahig Prison

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagpapaluwag ng New Bilibid Prison (NBP) nang muling naglipat ng 300 persons deprived of liberty (PDLs) noong Sabado at nakarating na sa Iwahig Prison at Penal Farms, kahapon.

Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang na bukod sa programang decongestion, kinakailangan din ang karagdagang manpower sa agricultural expansion sa Iwahig, na susuporta sa food security program ng administrasyon.

Ang 300 inilipat na PDL ay sinamahan ng 100 Corrections Officers na binubuo ng escort group, BuCor SWAT, medical personnel na may tulong mula sa Philippine National Police at Philippine Coast Guard.

Show comments