Top 1 most wanted timbog habang nagre-renew ng driver’s license

MANILA, Philippines — Isang 36-anyos na top 1 most wanted person ang dinakma habang nagre-renew ng kaniyang driver’s license sa Land Transportation Office (LTO) sa Almeda St., ng nasabing lungsod, nitong nakalipas na Biyernes.

Hindi inakala ni alyas “Randel”, na aarestuhin siya dahil sa eksaktong araw din nang ilabas ang warrant of arrest laban sa kaniya.

Sa ulat ng Pateros Municipal Police Sub-station 2, ang Top 1 Most Wanted Person Pateros Municipal Station na si Rodel ay inaresto dakong alas- 10:00 ng umaga sa LTO Pateros Extension Office.

Ang warrant of arrest ay para sa kasong Rape at Acts of Lasciviousness na inisyu ni Presiding Judge Joy N. Casihan ng Pasig City Regional Trial Court Branch 262 na may petsang July 19, 2024.

Nakapiit sa custodial facility ng Pateros MPS si alyas Rodel habang hinihintay pa ang pag-iisyu ng commitment order mula sa korte.

Show comments