^

Metro

LRMC: LRT-1, balik na sa normal na operasyon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inianunsiyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na balik na sa normal na operasyon ang mga tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) kahapon ng umaga matapos na mapilitang magpatupad ng limitadong operasyon kamakalawa ng gabi dahil sa problemang teknikal na naganap sa Balintawak Station nito sa Quezon City.

Batay sa abiso ng LRMC na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, dakong alas-7:32 ng umaga nang tuluyang maibalik sa normal ang full operations ng rail line matapos na matagumpay na maresolba ng kanilang mga personnel ang naganap na problema.

“As of 7:32AM, July 21, 2024. LRT-1 has resumed full operations from Baclaran to Fernando Poe Jr. Station and vice versa. Ingat po sa biyahe!” anunsiyo pa ng LRMC, sa kanilang X (dating Twitter) account.

Sa anunsiyo ng LRMC nitong Sabado ng gabi, napilitan umano ang LRT-1 na magpatupad ng partial operations bunsod ng aberya sa tren at isyu sa catenary system, na naganap sa Balintawak Station.

Dahil dito, nalimitahan ang biyahe ng LRT-1 mula sa Baclaran hanggang Monumento Station lamang at pabalik.

Nagtagal pa ang partial operations sa pagsisimula ng operasyon nitong Linggo ng madaling araw ngunit tuluyan ding naibalik sa normal nang mag-umaga na.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with