MANILA, Philippines — Pansamantalang sinuspinde ni Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) chief Narciso Diokno ang lahat ng towing at clamping operations sa lungsod.
Ayon kay Diokno, ang suspensiyon ay bunsod ng sandamakmak na reklamo kung saan apektado na ang totoong pagseserbisyo.
Binigyan diin ni Diokno na kailangan na tama ang sistema ng clamping at towing at hindi makakaabala sa sinumang indibiduwal.
Kung maaalala, sunud-sunod ang naging operasyon ng grupo na kung saan maraming mga sasakyan ang kanilang nasampulan.
Nilinaw rin ng bagong upo na opisyal na epektibo kaagad ang kautusan at dapat itong sundin.
Nagbabala rin si Diokno sa publiko na ang sinumang hindi tatalima sa direktiba ay mabibigyan ng kaukulang parusa.